Pinaigting na serbisyo, maaasahan sa mga bagong opisyal ng DOLE

Makaaasa ang publiko ng mas pinaigting at pinabuting serbisyo kasunod ng pagkakatalaga ng mga bagong opisyal ng Department of Labor and Employment, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III noong Lunes.

Ito ang pahayag ni Bello sa isang press conference kasunod ng pag-anunsyo sa media sa mga kasalukuyang kaganapan kaugnay sa labor at employment.

Sila ang mga bagong talagang opisyal ng Pangulo, maaasahan ninyo ang mas pinabuting serbisyo ng Department of Labor dahil rito at magkakaroon din tayo ng re-clustering ng mga duties at responsibilidad ng mga bago at kasalukuyang opisyal ng DOLE, wika ni Bello.

Nagpahayag rin ng tiwala ang kalihim sa husay ni Undersecretary Bernard Olalia sa ginawa nitong trabaho sa DOLE maging sa pagkakatalaga sa kanya bilang administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Sinabi niya rin na dahil ito sa walang sawang tiyaga at galing ni Olalia sa kanyang tungkuling pangalagaan ang kapakanan at proteksyon ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Una nang naglingkod si Olalia bilang Undersecretary sa kagawaran ng paggawa at hinawakan niya ang cluster ng Human Capital Development at Regional Operations.

Makakasama niya sa trabaho ang iba pang bagong talagang opisyal ng POEA na sina Villamor Plan, ang bagong Deputy Administrator ng POEA; at Ria Corazon Soledad Lano bilang Director IV.

Noong Enero 23, pinirmahan na rin ng Pangulo ang appointment papers ni dating Congressman Jacinto Jing Paras bilang Undersecretary ng DOLE. Unang naglingkod si Paras bilang Representative ng unang distrito ng Negros Oriental at miyembro rin siya ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Ikinagalak rin ni Bello ang pagkakatalaga kay dating TV Host at Actor, Arnaldo Arnell Ignacio bilang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Bago ang kanyang pagkakatalaga sa OWWA, unang naglingkod si Ignacio bilang Assistant Vice President sa Community Relation and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Source: DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

Related Post
SINGAPORE, Come July 3rd and 4th, Celine Dion will be performing her first concert in
The Police have arrested a 53-year-old man for his suspected involvement in a case of
The Police have arrested two men, aged 19 and 20, for their suspected involvement in